Wednesday, November 19, 2008

Quezon del Sur, Quezon Del Norte

Sa darating na Dec 13 mahalaga ang araw na ito sa mga taga-quezon. Sa araw na ito ang plebisito kung payag ba ang mga tao na hatiin ang lalawigan ng quezon sa dalawa, na tatawaging Quezon del Norte at Quezon del Sur.

Ang Quezon del Norte ay bubuuin ng mga bayan ng Burdeos, General Nakar, Infanta, Jomalig, Lukban, Mauban, Pagbilao, Panukulan Patnanungan, Polillo, Real, Sampaloc, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong at ang siyudad ng Lucena at Tayabas. Ang Lucena pa rin ang kapital nito.

Ang quezon del Sur naman ay ang mga bayan ng of Agdangan, Bunevista, Catanuan, Gen Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Patnanongan, San Antonio, San Francisco, San narciso, Unisan, Alabat, Atimonan, Guinyangan, Gumaca, Lopez, Plaridel Quezon, Tagkawayan.
Sa Quezon Del Sur ang magiging sentro ay ang Gumaca.

Sa simula pa lang na marinig ko ang mga hakbangin na ito, iisa lang ang aking sagot. Dapat na nga talagang hatiin ang lalawigan ng Quezon. Ito ay sa kadahilanang upang mabigyan ng pansin ang iba pang bayan ng quezon lalo na yung mga nasa bahagi ng Bondoc Peninsula- ang mga bayan na sasakupin ng Quezon del Sur.

Sa maraming taon, isa ang lalawigan ng quezon sa sampung pinakamahihirap na lalawigan sa Pilipinas. Noong una , parang ayaw kong maniwala sa dahilang sa mga bahagi ng quezon na aking napupuntahan na kalimitan ay ang mga bayang bahagi ng Quezon del Norte at nakikita ko ang kaunlaran. Ito ay ang mga bayang nakapaligid sa sentro ng lalawigan ng quezon ang Lucena City.

Kung tutuusin, malaki ang potensyal ng Quezon del Sur, narito ang mga malaking bahagi ng agrikultura, mga bulubundukin at mga karagatan na kung malalapatan ng tamang pagkalinga ay talagang makikita ang kaunlaran. Kahit ako ay nasa Quezon del Norte, gusto ko na makita na ang aking mga kababayan sa kabilang bahagi ng quezon ng mas magaang buhay, mas magandang imprastraktura sa tulong ng tamang pamamahala.

Sa mga ganitong hakbangin, kahit iisa ang nais marating , ang kaunlaran, hindi mawawala ang kokontra sa istratehiya. Siguro nga natural na ang ganito dahil marami ang natatakot na baka lalong lumala at pagsamantalahan lalo ng mga pulitiko na gustong malagay sa pwesto. Pero sa aking palagay, sa panahon ngayon, ang mga tao ay uhaw sa kaunlaran kung kayat sila ay matalino na sa pagpili ng kanilang liderato. Naniniwala rin ako na baka maunahan pa ng Quezon del Sur ang Quezon del Norte kung magagamit nila ng tama ang kanilang yaman at bagong usbong na liderato (hindi katulad ng sa Del Norte ngayon na mga trapo na).

Sa katapusan, parehong magpupunyagi ang dalawang bahagi ng Quezon sa hakbangin na ito.

Kaya sa Dec 13, mga Kabayan, Lets say YES! sa Dec 13 para sa Kaunlaran ng bagong Quezon.