Sa isang malayong lugar habang ako ay nag iisa
Ako ay may napansin na babaing kakaiba
Ako ay lumapit at sa kanya’y nagpakilala
At doon nalaman ko ang pangalan n’ya ay Irza
Sa aming pag uusap ako ay nag anyaya
Na kami ay pumunta sa isang kapetirya
Di batid kung ano ang magiging sagot n’ya
Ako’y di nagdalawang salita at siya’y sumama.
Sa kaniyang pananalita iyong mapapansin
Ang angking talino na di mo sukat isipin
Ako ay humanga sa galing na angkin
At lalong naging masigasig na siya’y kausapin
Sa unang araw pa lang na kami’y magkasama
May kakaibang damdamin akong nadama.
Batid sa puso ang pag ibig sa kanya
At hindi naglaon ako’y minahal n’ya
Labis na pagmamahal ang sa akin ay pinakita
Kung kaya araw araw sya’y nasa ’king gunita
Sarap ng pagmamahalan na aming pinagdadaanan
Ako’y nananalangin sa sana’y walang maging hangganan....